Skip to Content

souvenir

Posted on August 26, 2010 at 8:10 am | Categories: in between | No comments

Matapos mangyari ang lahat, akala ko nasabi na din ang lahat.
 
Napuno ang mga  instrumento ng pagpapahayag ng mga batikos sa pamahalaan at kapulisan. Telebisyon, radyo, dyaryo at internet – nabanggit na sa lahat. Alam na ng lahat. Hindi na ako nagsasalita dahil alam kong wala din naman akong maitutulong. Alam ko din na walang buti’ng idudulot kung uulitin ko lang ang sinabi ng iba, magtutunog sirang plaka lang ako at hindi rin naman ako sang-ayon sa pagsambit ng paulit ulit ng mga bagay na negatibo.

Mas pinili kong manahimik…. hanggang kahapon. Kahapon, napalitan ang lungkot ng galit.

Sige na, di tayo marunong.
Sige na, lahat tayo nagkakamali.
Sige na, wala tayong gamit.
Sige na sa lahat.

Mapapalagpas ko.

Hindi kasi tayo naturuan.
Tao kasi tayo.
Salat kasi tayo sa pera (wag na natin ipasok ang korupsyon)
Hindi ka pwedeng magtaka kung ang laman ng bao ay ampaw.

Nabanggit pa nga ng isang beteranong crisis negotiator na nagpamalas ng tapang ang mga pulis – kulang lang talaga sila sa kaalaman at gamit.

Pero ang magpakuha ng litrato na parang ”souvenir” sa lugar ng trahedya ay isang malaking insulto sa mga nawalan at kahihiyan ng marami sa’tin – lalo na kung katatapos pa lang ng pangyayari at hindi pa naghihilom ang mga sugat. Hindi naman kailangan ng talino o’ yaman para maging sensitibo. Alam ko na kapos tayo sa madaming bagay pero hindi sa puso. Ayaw kong maniwala na wala tayong pagmamalasakit.

Hindi natin ginusto ang nangyari. Hindi man yan maintindihan ng mga naulila, mauunawaan yan ng may malawak na kaisipan. Pero paano mo ipapaliwanag ang larawan ng ilang pulis sa lugar ng trahedya – habang nakangiti.

Ayaw ko maniwala na bastos tayo, pero ang mga pulis na nasa larawan, ayun – pilit pinapatunayan na mali ako.

Kalabisan naman.

starbucks

Posted on August 16, 2010 at 9:25 pm | Categories: in between | No comments

Magkano ulit ang kape? hindi nga? kape kako.

Hindi mapag kakaila na madami sa atin ang adik sa kape. Kape, sa unang tingin pero kung bibigyan mo ng mas malalim na pansin, maiintindihan mo na hindi lang kape ang starbucks.

Sumasalamin sa starbucks ang mas malalim na pangangailangan ng madami na maging marangya kahit sandali lang. Magandang dekorasyon, komportableng upuan, konting konti na lang para ka nang nasa Amerika. Mura nga naman ang isang basong kape kung mararanasan mo ang buhay marangya – kahit saglit lang.

Subukan mong sabihin na bulok ang starbucks at pauulanan ka ng madaming pintas ng mga panatiko. Ignorante, mangmang, walang alam at marami pang bagay ang ipupukol sa’yo para patunayan na super sarap tudamaksimum ang kape ng starbucks at wala ng mas masarap pa dito. Buong puso silang naniniwala kahit di naman talaga nila alam.

Ang starbucks isa ng relihiyon.

Aaminin ko na masarap ang kape, pero kape lang yun. Kadalasan, patakbo mo itong kukunin papunta sa opisina at hindi tulad ng madami sa atin na kung makatambay sa kapihan e parang may contest ng trip to Jerusalem. Agawan sa upuan. Patagalan. Nag uunahan sa labas para duon umupo o di naman, kahit sa may bintanang salamin na lang. Mas kita, mas ayos. Tumatanaw ng mga dumadaan habang humihigop ng kapeng malamig. Malamig kasi dalawang oras ng iniinom.

Hindi ko kayang isulat lahat pero alam mo di ba? alam mo na masarap tumambay sa starbucks dahil alta sociedad.

Tulad ng maraming bagay, hindi naman tayong lahat, pero alam mo na isa ka sa kanila.

San nga ba nagpupunta ang mga taong nasa starbucks nuong wala pang starbucks….?

Makapagtimpla nga ng milo.

textbum

Posted on July 19, 2010 at 8:40 pm | Categories: in between, life | No comments

The title is derived from the famous song sexbomb of  Tom Jones – another song we all love but hate. Let’s leave that for another discussion.

Tagalog na.

TXTSPEAK

Bago pa man naging sikat ang mobile phones ay ginagawa na ito ng mga hacker (in it’s true sense)

Sa pagpapaikli o pagpapalit palit ng letra ng salita, naiiwasan ng mga hacker ang mga word filters. Ang resulta, naitatawid nila ang mensahe na gusto nilang iparating.

halimbawa: ang porn ay ginagawang pron o pr0n, kung ang word filter ay porn o any four letter word composing of p,o,r,n.

Isa ang layunin. Ang makapagtawid ng mensaheng malinaw.

Aba’y ano na ang nangyari ngayon?

Hindi ko maintindihan.

Meron bang nagbukas ng dam ng mga bagay na di mainam at madaming pinoy ang nabasa?

Naiintidihan ko ang dahilan sa likod ng putol putol na salita sa mobile phone. Kailangan kasing paikliin ang mga salita para magkasya sa limitadong bilang ng letra. Mas mabilis. Mas matipid. Pero bakit kailangan palitan ang mga letra kung pareho lang naman ang bilang?

Aco kapalit ng ako (at isang damakmak na kumbinasyon)

Minsan, lalo pa ngang humahaba (acoh)

Bakit kailangan mag text speak kung hindi naman mobile ang gamit at hindi naman limitado ang pag-gamit ng letra?

Bakit textspeak pa rin sa mga bulletin boards at forums. Minsan pa nga pati sa formal writing, may nakakalusot. Nakasanayan na kasi.

Dahil kaya isa itong paraan para masabing “uy cool ‘tong kausap ko.”

Alam ba natin na tayo lang din ang nakakaunawa sa sinasabi natin? Sa katunayan, hindi pa nga lahat.

Hindi tulad ng xoxox na maraming banyaga ang nakakaunawa, bagaman hindi din lahat.

Alam ba natin na sa internet, sa paraan lang ng pagsusulat makakasilip ang mambabasa kung ano ang personalidad ng sumusulat? edad, pinag-aralan at kung taga-saan

Ano ang opinyon mo sa taong magsulat ay ganito?

miz coh na kau 2 Mayang!!! tsupmwahpzzzzzzzzzz…. kiz mo rin ko kay eng2x mmmmmmmmmmmmmwwwwwwwwaaaaaaaaahhhhhppppppppzzzzz!!!

Dapat pa ba nating pag-usapan ang AlTeRnAtInG cAps?

Ilse

Posted on May 14, 2008 at 1:48 pm | Categories: blog, in between | No comments

“Why do you want to be a V.O?”

… and by that question, a different perspective arised, warranting more thought on a rather simple answer.

Ilse has been at the forefront of the Embassy for as long as I can remember. She hired me. Managers, supervisors and staff had come and left but Ilse remained. Keeping every knowledge learned through experience and putting it into use for the organization. On her last day of work, the entire immigration section had a barbecue for her. A farewell out of the ordinary. Coffee morning are what we usually do for a staff that is leaving. To have a barbecue, well that’s just something else. There were food, stories, presentations and bids of good luck from her former superiors.

I’ve worked under her for almost 6 years. Being an anal person, her attention to details are amazing. Needless to say with the 6 years we’ve had, we did not always see eye to eye. We will sometimes bark at each other like enemies, but maybe only because we are friends as well.

Those who do not know her better, believes she’s a pain to work with but for me, she is a friend. A true one. She was there during the most difficult times of those six years, ready to lend a hand. She had supported me with every endeavor I have taken. Believed in me when even I doubted myself.

She is really a gem to have and I consider myself lucky to come across someone like her professionally and most important, personally.

Farewinds boss.

ognita.com

Posted on March 9, 2008 at 10:54 pm | Categories: blog, in between, photography | No comments

Matapos ang madaming araw at gabi ng pag upo habang nakatitig sa monitor.
Matapos ang maraming oras ng pagkamot ng ulo.
Matapos ang ilang bote ng ice tea, coke, sprite at bubble gum.
Matapos ang di mabilang na stick ng sigarilyo.

Isinilang ang ognita.com

Ang inyong mga saloobin, kumento at pagpuna ay mangyari lamang isulat sa isang malinis na papel, lagdaan, ilagay sa inyong damitan at buong pusong angkinin (hehe)

Bloodline

Posted on March 8, 2008 at 3:06 pm | Categories: blog, in between | No comments

 

I was able to go out yesterday, a brother of a friend of mine came over for a visit. And as we all do, when we have guest – we go around.

 

As I am post-processing the images I took of them, I just can’t help not to remember my youngest brother. He would have enjoyed Beijing as well. He would have had a million questions and I will be able to answer them. I would have been a big brother. Too bad, I was not able to really know him. We were too young when we were kids and parted ways soon as we hit high school. I left home, college sophomore and we’re 4 years apart. So that makes him – young.

 

A part of me whispers that I have abandoned him. The way he sees the world, maybe I have something to do with it. Maybe if I was there, it would have been different. Maybe it would have been easier for him to accept that things are not always dandy. I guess, I’ll never know.